Pintuan ng Langit

Masyadong malayo na ang aking natakbuhan ngunit kailangan ko pang tumakbo hanggang sa ako’y hindi na nila masundan. Kasalanan ko naman kong bakit nila ako hinahabol. Kung hihinto ako at susuko sa kanila. Kung hihinto ako at luluhod sa kanila sabay hingi ng tawad, mapapatawad kaya nila ako? Paano nila ako mapapatawad kung buhay ng tao ang kinitil ko?

Kailangan ko pang tumakbo. Andyan na sila. Masyado silang mabilis. Hindi ko na kaya. Nauubusan na ako ng hangin. Wala ng lakas ang aking mga paa. Ngunit kailangan kung lumaban. Kailangang hindi nila ako mahuli. Ayaw kung manirahan sa bilangguan. Ayaw kung matulog sa mabaho, madumi, at madilim na silid ng bilangguan. Takot ako sa bakal na rehas. Hanggat makakaya ko ay lalaban ako.

Kinapa ko ang aking kanang bulsa. Nakapa ko ang baril kong bagamat may kalumaan na ay puno iyon ng bala. May baril ako. Ang isang tulad kung criminal normal lamang na may ganito. Hindi lang ito gamit sa mga krimeng ginagawa ko kundi para pantanggol din ito sa sarili ko.

Kinuha ko iyon sa bulsa. Nagtago ako sa isang malaking puno na may nakausling ugat. Umupo ako sandali. Parang mawawalan na ako ng ulirat dahil sa pagod. Malubha na rin ang sugat ko sa kaliwang balikat dahil sa ako’y nabaril kanina ng isang pulis.

Nakita ko na sila. Paparating na sila sa kinatatayuan ko. Hawak-hawak ko na ang baril ko. Nakaposisyon na iyon sa kamay ko. Kailangan kung mag-ingat dahil alam kung magaling sila. Handa na ako sa laban. Isang kalabit lang ay puputok na ang dala kung baril.

“Alam kung nasa paligid ka lang Bermudez! Sumuko ka na!” Sigaw ng pulis na sa pagkakilala ko ay si SPO2 Leonardo Sebastian.

Kilala ko ang myembro ng pulisya. Bakit ko nga ba hindi sila makilala eh dati rin akong kasama nila. Tama kayo, isa rin akong pulis dati. Ngunit ako’y nag-iba ng landas. Iniwan ko ang aking propesyon at nakipagbarkadahan sa alak, babae, at druga kaya hanggang ngayon ang buhay ko ay pariwara.

Hindi ako sumagot. Wala akong planong sumagot. Hanggat maari ay kailangan kong magtago. Masyado ng mahapdi ang sugat ko. Nanlalabo na ang mata ko. Natatakot akong maubusan ng dugo. Hindi ako takot mamatay. Kahit ngayon mang makitilan ako ng hininga hindi ako natatakot.

Ang isang kinatatakutan ko ay ang lugar na aking pupuntahan kung ako’y patay na. Sigurado akong sa impyerno ako mapupunta. Walang lugar sa langit ang isang tulad ko. Paano ako matatanggap ng Diyos kung sa lupa pa lang kay dami ‘ko ng kinitil na buhay. Kay dami ng pamilya na aking winasak. Kay dami ng dugo na dumaloy sa aking mga kamay.

Wala sa katangian ng Diyos na angkinin ang isang tulad kung salot sa lansangan. Tiyak akong hinihintay na ako ni Satanas. Tiyak akong nakangisi na siya ngayon. Alam kung masaya siya dahil may makukuha na naman siyang kaluluwa rito sa lupa.

Kahit ganito ako. Kahit ganito kaiitim ang budhi ko natatakot pa rin ako. Natatakot akong masunog sa nagliliyab na apoy sa empyerno. Naniniwala ako na lahat ng may kasalanan malaki man o maliit kung hindi hihingi ng tawad ng buong puso ay hinding-hindi makakaakyat ng langit.

Na mananatili sa nagliliyab na apoy at tatanggapin ang walang katapusang pasakit.

“Bibilang ako ng sampu, Bermudez! Sumuko ka na hangga’t may panahon ka pa. Isuko mo na ang sarili mo sa batas!”

Hindi. Hindi ako susuko. Batas? Anong batas ang sinasabi nila? Nakakatawa. Alam kung hindi sila perpekto. Tao rin silang kagaya ko. Alam ko ang mga gawi nila. Alam ko ang mga larong ginagawa nila. Pareho lang kami ngunit sadyang maingat lang sila.

“Isa! Dalawa! Tatlo!Apat!…sumuko kana Bermudez! Lima!”

Kahit maubos man ang numero ay hindi ako susuko. Kung makipagpatayan man ay handa ako.

“Anim! Pito! Walo! Siyam!..Bermudez! Huwag mong hintaying iputok namin ang baril na ito sa’yo. Siyam at kalahati! Talaga bang matigas ang ulo mo! Kung iyan ang gusto mo wala na kaming magagawa! Sampu!”

Huminto na ito sa pagbibilang. Malakas ang kalabog ng aking dibdib.

Akala ko ba kaya ko. Akala ko ba hindi ako takot mamatay. Pero bakit ngayon natatakot ako.

“Men! Search the area! Alam kong andito lamang sya.”

Marami ng pulis ang umaaligid. Kunting galaw ko lang sa may puno na natatabingan ng matataas na hibla ng damong ligaw tiyak na makikita na nila ako.

Isang pulis ang papalapit sa akin.

Limang hakbang lang niya ay makikita na niya ako.

Unang hakbang…pangalawang hakbang…pangatlong hakbang…

Nangangatog na ang paa ko. Masakit na ang sugat ko.

Biglang huminto ang pulis at may tiningnan sa nagkukumpulang tuyong dahon sa paanan niya.

Dugo! May bahid ng dugo ko ang dahon. Kung susundan ang dugo ay tiyak na papunta iyon sa kinaroroonan ko.

Kailangan ko ulit tumakbo at tumakas. Handa na ang aking mga paa na tumakbo.

Isa..dalawa..takbo…

“Ayun siya!”

Sa malas ko ay nakita nila ako. Hinabol ulit ngunit may kasama ng putok ng baril. Hanggang sa wala na akong mapuntahan. Nakapaligid na sila sa akin.

“Wala ka ng kawala, Bermudez! “ Sigaw ng isang pulis.

“Binigyan ka namin ng isang pagkakataon ngunit nagmatigas ka!”

Nilingon ko ang pulis na nagsalita. Si SPO2 Sebastian. Binigyan ko siya ng malademonyong ngiti.

Kailangan kong itago na natatakot ako sa mangyayari. Kailangan makita nilang matigas ako at walang kinatatakutan. Kailangan matatag ako sa mga mata nila.

“Kahit patayin mo ako ngayon ay hinding-hindi ako susuko sa kamay mo! Ulol!” sigaw ko sabay sukbit ng aking baril upang iputok sana sa kanya ngunit….

Bago pa man nakalabit ang dala kong baril ay naunahan na ako ng kasamahan niyang nasa likod ko pala.

Hindi lang isa, dalawa o tatlong beses tumama ang bala sa katawan ko kundi marami. Wala na akong pag-asa pang mabuhay. Naramdaman ko na lang ang pamamanhid ng aking katawan hanggang sa ako’y matumba sa mahamog na lupa. Bumigat din ang talukap ng aking mga mata.

Nahihirapan na akong himinga. Ngunit bago pa man ako nawalan ng ulirat ay pinilit pa ng labi kong bigkasin ang pangalan Niya. Alam kong wala akong karapatang humingi ng tawad sa Kanya subalit nagbabakasali lamang akong marinig Niya ang huling sasabihin ko.

“Panginoon, patawarin po ninyo ako.” Wala na akong lakas para magsalita pa. Hindi ko na kaya. Talagang hanggang dito na lang ang buhay ko.

Wala na akong maramdaman pa hanggang sa nabalot na ang paligid ko ng kadiliman.

 

Mula sa madilim na paligid na kanina lamang ay aking nakikita ay bigla na lamang nagising ako ng isang liwanag. Maliwanag na kahit mata ko’y nahihirapang dumilat.

Buhay ako? Bakit wala akong ibang makita kundi puti? Impossibleng nasa ospital ako. Wala akong makitang pintuan. Walang ibang kulay ang paligid kundi puti. Wala akong ibang nakikita. Walang ibang tao  na nandito sa lugar na ito liban lamang sa akin.

Nasaan ba ako?

Tiningnan ko ang suot ko. Iyon pa rin ang suot ko nung akoy nasa kagubatan at nakipaghabulan sa mga alagad ng batas. Ngunit malinis na iyon hindi gaya kanina na nababalot ng dugo.

Hindi ko alam ang nangyayari. Wala akong alam.

“Tao po! May tao ba dito?” nagsisigaw ako.

Nasisilaw ako sa liwanag.

Walang sumagot. Sumigaw ulit ako nguit wala pa rin.

Ilang sandali lamang ay may puti uling liwanag ang nagbigay daan sa akin papunta sa isang pintuan.

Anong klaseng lugar ito? Bakit may pintuan?

Hindi na ako nagtanong pa. Nakita ko na lamang ang sarili kong naglakad papunta sa may maliit na pintuan. Lumingon ako sa aking kanan. May isa pang pintuan ngunit mas malaki ito kumpara sa pintuang aking tinahak. Sa aking kaliwa ay gayon din. Malaki ring pintuan.

Tumingin ako sa aking harapan. Isang maliit na pintuang ang hirap pasukin. Ito ay yari sa bakal. Tiningnan ko ang liwanag.

Nagdadalawang-isip ako. Alam kong pinapili ako kung saang pintuan ako dapat na pumasok. Subalit may namuong kaalaman sa isip ko.

Alam kung patay na ako. Nasa sitwasyon ako kung saang lugar ko gustong pumunta. Alin sa pintuang ito ang papuntang langit? Alin ang sa impyerno? At ano itong pangatlong pintuan?

Nahihirapan akong pumili. Mas malaki ang pintuan sa kaliwa ko at pinakamalaki sa kanan. Ang pinakamaliit ang nasa harapan ko.

Huminto ako sa paglalakad. Hindi ko alam. Pero kailangan kung mamili. Kailangan kung panindigan kung ano man ang magiging desisyon ko. Pumikit ako. Hindi ko akalaing hihingi ako ng tulong sa Kanya.

“Panginoon, naistorbo ba kita? Pagpasensyahan niyo ngayon ko lang nasambit ang pangalan mo. Patawarin mo ako kung nakalimutan kita. Nahihiya ako sa’yo dahil sa mga nagawa ko. Alam kong wala akong karapatang humingi ng tulong sa iyo ngunit nagbabakasakali akong marinig mo ang panalangin ko ngayon. Tulungan mo po ako kung saang daan ang tatahakin ko.”

Imposible! Imposibleng dinggin ng Panginoon ang panalangin ko. Kung didinggin man Niya hindi ko alam kung saan Niya ako papupuntahin. Sa impyerno ba? Sa langit? Sa pangatlong pintuan na hindi ko pa alam kung ano?

Ilang saglit lamang ay may liwanag ulit. Nagulat na lamang ako ng bumukas ang maliit na pintuang nasa aking harapan.

Dininig ba ng Panginoon ang panalangin ko? Ito ba ang tamang daan na lalandasin ko? Pintuan ba ito ng langit?

Tila may sariling pag-iisip ang aking mga paa at tuluyan ko ng pinasok ang pintuang nasa gitna. Mahirap pumasok doon dahil masikip. Isang tao lang ang pwede. Hindi gaya ng nasa magkabilang pintuan na ilang tao ang pwedeng pumasok.

Nang tuluyan na akong nakapasok ay namangha ako sa aking nakita. Isang mahabang mesa na gawa sa ginto. May maraming upuan na yari sa ginto din. Ang mga kubyertos ang pulos ginto. Maraming pagkain. Mga masasarap na pagkain. Ilang saglit lang din ay may narinig akong nakakaaliw na musika. Ang sarap sa tenga. Nakakagaan ng pakiramdam.

Maya-maya’y may mga taong may pakpak na kulay puti. Nakasuot din sila ng puti. At may puting bilog sa ibabaw ng kanilang ulo ang pumanaog. Marami sila. Lahat sila ay nakangiti sa akin.

Ano ang tawag sa kanila?

Lahat sila ay magaganda. May bata, matanda, babae, at lalaki. Kay sarap nilang panuorin.

Sino sila? Bakit may mga pakpak sila?

Nasa anong mundo ba talaga ako?

“MALIGAYANG PAGDATING SA AKING TAHANAN…” May malaking boses akong narinig mula sa kawalan. Lahat sila at nakatingin sa aking likuran. Nakayuko. At nagbigay galang.

Lumingon ako upang makita kung sino man ang nagsalita.

At nakita ko Siya. Halos mahulog ang luha ko sa mga mata ng makita ko Siya. Aminado akong hindi ko Siya kilala. Pero kilala Siya ng puso ko. Kilala Siya ng sistema ko. Siya ang bumuo sa akin. Alam kong Siya ito.

Kahit ganito alam kong hindi ako nagkakamali.

Tinaas niya ang magkabilang kamay. Ang mga kamay niyang may butas. Alam ko ang butas na iyon. Ang butas na nagsasalamin ng Kanyang kadakilaan. Ang sumasalamin sa Kanyang pagmamahal sa atin.

“HALIKA. YAKAPIN MO ANG IYONG AMA.”

Nagdadalawang-isip ako.

Ako ba talaga ang sinabihan niyang yakapin siya? Hindi ba niya alam kung gaano ako kadumi? Bakit niya ako yayakapin? Lumingon ako sa mga taong may pakpak. Lahat sila nakangiti. Lahat sila ay sinabihan akong lumapit at yakapin Siya.

Hindi ko kaya. Nahihiya ako.

Imbis na lumapit sa kanya at yumakap ay lumuhod ako sa haapan niya at humingi ng tawad.

“Panginoon, hindi ko alam kong totoo ba lahat ng nakikita ko ngayon. Totoo ba talagang nakikia kita? Totoo ba talagang inaanyayahan mo akong yakapin ka? Pero bakit? Hindi mo ba alam kung gaano ako kasama? Marami akong buhay na kinitil. Marami akong pamilya na winasak. Wala akong awa ma bata man o matatanda. Isa akong criminal. Maraming dugo ang dumaloy sa mga kamay ko. Bakit?”

Hindi ko namalayang naluha na pala ako. Sa tanang buhay ko ay hindi ako umiyak. Kahit sa pamilya ko ay hindi ako umiyak. Para sa akin ang pag-iyak ay isang senyales ng pagsuko.

Pero ngayon susuko na ako. Hindi sa kamay ng mga taong may sinasambang batas sa lupa kundi sa kamay ng taong lumikha sa ating lahat. Susuko ako ng buong puso sa kamay ng aking Ama.

Isang mainit na kamay ang dumantay sa aking mga balikat at pilit akong pinatatayo. Nasa harapan ko na siya. Tinaas niya ang kanyang kamay at pinunasan ang luha sa aking mga mata.

“ANAK KO…ALAM KO ANG BAWAT GALAW MO SA LUPA. NAKIKITA KITA KAHIT IKA’Y NAKATAGO SA ISANG SULOK. NARIRINIG KITA KAHIT SA ISIP MO LANG SINASABI ANG NAIS MONG SABIHIN. NABABASA KO ANG BAWAT LAMAN NG IYONG ISIPAN. ALAM KO LAHAT DAHIL AKO ANG LUMIKHA SA’YO. “

Hinawakan niya ang aking kamay. Nakaramdaman ako ng kaginhawahan.

“SA KABILA NG IYONG MGA NAGAWA SA LUPA, SA HULING SANDALI NG IYONG BUHAY AY PINILI MO PA RIN AKO. KAYA IKAY NARITO SA PAMAMAHAY KO NGAYON. MAGPAKASAYA KA DAHIL NASA IYO NA ANG WALANG KATAPUSANG LIGAYA. DITO SA TIRAHAN KO’Y WALA NG LUHA, WALANG SAKIT, AT WALANG KAMATAYAN. DITO SA PARAISO LAHAT MASAYA, MALIGAYA.”

“Pinapatawad mo na ba ako, Panginoon?”

“SINABI MO NA ANG KASAGUTAN. ANAK KITA…PAPATAWARIN KITA DAHIL MAHAL KITA.”

At niyakap niya ako.

Bago matapos ang pag-uusap naming ay nagtanong ako sa kanya kung para saan ang dalawang pintuan kanina.

“HINDI IKAW ANG MAKAKAALAM NG KASAGUTAN. BAYAAN MO’T NASA PARAISO KANA…”

Hindi na ako nagtanong pa. Masaya ako. Hindi pa pala huli ang lahat. Talaga ngang malaki ang puso ng Panginoon. Hand siyang magpatawad kahit gaano man kasama ang isang tao. Kaya niyang gawing malinis ang masyado ng marumi.

Hindi madaling pumasok sa langit. Masyadong maliit ang pintuan papasok roon. Kunti lamang ang nakakarating sa paraiso. Ngunit kung tayo’y mananalig sa kanya at sundin ang kanyang utos, walang masikip na pintuan para sa ating lahat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s