Sa aking Madilim na Mundo

Author’s Note: Re-post po ito. Nakapost na ito sa isa ko pang blog account at sa wattpad account ko.

—–oOo0—–

Malapit na ang pasko.

 

Napaisip ako habang tinatanaw ang napakalawak na kalangitan na may maraming nangingislap na mga bituin. Kailan ba ang huling paskong naging masaya ako?

 

Ahhh..wala..wala akong matandaan.

 

Kahit unang paskong masaya ay di ko naranasan.

 

Minsan naisip ko kung totoo nga ba si Santa Claus. Oo, marahil noong bata pa ako naniniwala ako sa kanya.Tumatak sa isip ko katulad din ng ibang bata na si Santa Claus ang nagbibigay ng mga regalo sa pasko.

 

Mga laruan, kendi, tsolates at marami pang iba.

 

Noon masaya na akong mayroon ako niyon. Ngunit hungkag pa rin ang aking puso at di ko pa rin alam ang tunay na kahulugan ng pasko.

 

Kasiyahan.

 

Kapayapaan.

 

Pag-ibig.

 

‘Yon daw ang mga diwa ng pasko. Ngunit hindi ko naramdaman iyon. Ni isa sa mga iyon ay wala akong maramdaman. Wala akong kaligayahan. Kulang na kulang ako.

 

Wala akong kapayapaan.

 

Ang buhay ko’y puno ng gyera. Maraming pagsubok. At wala akong pag-ibig.

 

Pag-ibig sa lahat ng kahulugan niyon.

 

Wala ako niyon dahil ako ay nag-iisa lamang.

 

Walang kaibigan.

 

Walang pamilya.

 

Kung sa palagay ng iba ay mahirap na ang naranasan nila. Wala iyong binatbat sa lahat ng pagdurusang pinagdaanan ko. Kailanman walang humpay ang pagsubok sa akin.

 

Napaisip tuloy ako minsan. Ano bang nagawa kong pagkakamali at labis-labis akong pinarurusahan ng Diyos?

 

Ngunit alam kong hindi dapat tinatanong ang Diyos. Siya ang may alam ng lahat. Lahat ng mga nangyayari sa akin ay may dahilan. Alam ko yon. Alam na alam ko yon.

 

Lahat ng pagsubok na ito’y kaya kong malampasan. Ngunit tila pagod na akong lumaban. Simula bata pa ako’y nakipagsapalaran na ako sa gyera ng buhay. Kailan ba matatapos ito?

 

O baka nama’y hindi na at habang-buhay na akong nasa kadiliman. Nag-iisa sa sulok. Malungkot at walang makakapitan.

 

Hihintayin ko na lang bang maputulan ako ng hininga? Mabuti na nga lang na mamatay na lamang ako.

 

Ngunit napaisip ako…

 

Kaylupit naman ng tadhana kung makikitilan ako ng buhay na di man lamang matatamasa ang kaligayahan na sinasabi ng iba.

 

Gusto kong maging masaya.

 

Gusto kong maranasan kong pano mahalin at alagaan.

 

Gusto kong malaman ang totoong kahulugan ng tunay na pag-ibig.

 

Tumayo na ako sa pagkakaupo sa konkretong upuan sa parkeng iyon. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang isang butil ng luha mula sa aking mga mata. Pinahid ko iyon at pagkatapos lumakad na ako tulak-tulak ang luma kong kariton na puno ng mga plastik, lata, bote, papel, at iba pang basura.

 

Marahil basura iyon. Walang kabuluhan. Ngunit sa isang katulad kong mahirap pa sa daga malaking  bagay na ang mga iyon. Ibenebenta ko sa tindahan ni Mang Tasyo ang napulot ko na mga basura at sa kakaunting sentimo na kita ko ay magkakalaman na ang aking sikmura.

 

Inihinto ko ang dala kong kariton sa isang tagpi-tagping bahay. Bagamat maliit lamang iyon ay bahay na rin iyon na matatawag. Pinag-tagpi-tagping sako ng harina at karton ang dingding. Pati ang sahig ay mga tagpi-tagpi ding tabla ng mga lumang kahoy.

 

Nasa ilalim ng tulay ang mumunti kong bahay.

 

Matutulog na ako.

 

Gabi na.

 

At bukas ng maaga ay gagayak na ako upang mapulot ng mga basura.

 

Walang nagbago sa araw-araw. Matutulog ako at managinip ng maganda man lamang.

 

Alas kuwatro ng umaga ay gumayak na ako. Tulak-tulak ko pa rin ang luma kong kariton. Nagsimula na akong mamulot ng kahit na anong pwede kong maibenta. Hanggang sa mapadaan ako sa may simbahan.

 

Maraming tao.

 

Maraming nagsisimba.

 

Silang lahat ay masaya.

 

Halata dahil sa mga ngiting nakapaskil sa kanilang mga mukha.

 

May dalawahan. May magkaibigan. May magkakapamilya.

 

Makulay ang simbahan pati ang mga lansangan dahil sa mga makukulay na parol na nakasabit sa daan at mga Christmas lights.

 

Bukas ay pasko na pala.

 

Napatingin ako sa malaking krus na nasa itaas ng simbahan. Tila may nag-uutos sa akin na pumasok doon. Nakita ko na lamang ang sarili kong nasa loob nan g simbahan. Doon ako sa may sindihan ng kandila.

 

Siksikan doon.

 

Maraming tao. Lahat sila ay umiiwas sa akin.

 

Marahil ay takot sila. O baka nama’y nandidiri sa aking hitsura.

 

Mabaho ako dahil hindi ako naliligo. Kung anong suot ko kahapon o noong nakaraang araw pa’y iyon din ang suot ko ngayon at siyang susuotin ko bukas o sa susunod pa. Wala akong ibang damit.

 

Ang mahalaga sa akin ay matabunan ang aking katawan. Hindi na mahalaga kung malinis o kaakit-akit ang damit ko o ako. Iyon ang prinsipyo ko.

 

Dumukot ako ng piso sa bulsa ko at inihulog ko iyon sa kahon.

 

Kumuha rin ako ng isang kandila at sinindihan iyon.

 

Ipinikit ko ang aking mga mata at taimitim akong nagdarasal.

 

Naniniwala rin naman akong may Diyos at kahit wala pang natupad ni isa sa mga dasal ko’y walang ano iyon.Hindi pa rin nagbabago ang paniniwala ko sa Kanya.

 

Isa lang naman ang dasal ko. Kahit noon pa. Ang matapos na ang kahirapang nararanasan ko at ng makahanap na ko ng kaligayahan at kapayapaan.

 

Pagkatapos kong magdasal ay lumabas na ako ng simbahan at itinuloy ko na ang pangangalap ng basura.

 

Tanghali na pala at di ko na namalayan pa ang oras. Marami-rami akong nakolektang bote at plastik. Naramdaman ko na rin ang gutom kaya tumuloy na ako sa kina Mang Tasyo para ibenta iyon.

 

“O, itong isandaan. Hindi ko na kikilohin. Bibilhin ko na lahat iyan ng isandaan”

 

Pumayag agad ako. Paano ba’y sa tantiya ko’y hindi iyon aabot ng isandaan.

 

Isinukbit ko sa aking bulsa ang pera at umalis na ako upang kumain na.

 

Kumain ako sa karenderya ni Aling Salome. At ng mabusog ako sa iniorder kong chaporado ay gumayak na ako.

 

Bumili din ako ng pansit at tinapay para kahit papaano’y may handa ako mamayang hating-gabi para salubungin ang pasko.

 

 

 

Alas dose na ng madaling araw.

 

Pasko na.

 

Lmabas ako sa aking munting tahanan at pinagmasdan ang makukulay na kalangitan.

 

Kaysarap tingnan. Nakakagaan ng damdamin.

 

Naririnig ko din ang mga pamaskong kanta.

 

Ipinikit ko ang aking mga mata at taimtim akong nanalangin para sa akin at para sa lahat ng tao.

 

Kaarawan ng Diyos dapat siya ang bibibigyan nga regalo. Dapat tayo ang magbibigay sa kanya ng ating taos pusong pagsisisi at pasasalamat.

 

Ang pasko ay hindi para sa atin.

 

Ang pasko ay para sa kanya.

 

Ng matapos na akong magpasalamat at bumati ng maligayang kaarawan ay bumalik na ako sa aking mumunting tahanan. Sinimulan kong kainin ang pansit at tinapay na nabili ko kanina.

 

Masarap sana. Ngunit walang lasa ang kinakain ko dahil ako lang mag-isa.

 

Naisip ko ang aking ipinagdasal kanina. Ang sabi ko’y sana sa susunod na pasko maiba naman, Panginoon. Sana sa susunod na pasko may kasama na ako. Sana sa susunod na pasko ay maligaya na ako.

 

Ng matapos akong kumain ay humiga na ako at natulog. Ngunit bago ko ipinikit ang aking mga mata ay muli ko Siyang binati ng maligayang kaarawan.

 

——————————————————————————————————————————-

 

 

 

“Kaninang alas tres y medya ay may isang pampasaherong bus ang nahulog sa tulay. Naiulat na dalawa kumpermadong patay kabilang ang driver ng bus at isang batang nakatira sa ilalim ng tulay….”

 

Iyon ang laman ng balita.

 

Masaklap.

 

Masakit.

 

Ngunit may dalang ligaya. Sa wakas natapos na rin ang kanyang paghihirap. Ang paghahanap niya sa mundong ibabaw ng tunay na kaligayahan at kapayapaan ay doon sa langit niya matitikman.

 

Dito sa mundo ay malupit ang tadhana. Dito sa mundong walang kasiguraduan ang buhay. Dito sa mundo ay puno ng gyera at dapat marunong kang lumaban para ikaw ay magtagumpay sa iyong hangaring kapayapaan.

 

Kung di man sa lupang ito siya makakaranas ngmaligayang pasko marahil sa bahay ng Panginoon matatamasa niya iyon kasama ng mga batang kagaya niyang lumaban din hanggang kamatayan dito sa lupa para lamang mahanap ang tunay na kahulugan ng kaligayahan.

 

THE END.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s